Â
Â
Â
Proyekto
Sa
Filipino III
Ika-Apat na
Markahan
Â
TEEN ANGST?
Naaah…
Â
Pagbubuod, Pagsasalin at Pagsusuri
Â
Â
Â
Â
Â
Ipinasa nina:
Â
Leo Allen Pangilinan
Trina Napasindayao
Marie Joie Silva
Frances Grace Mortel
Jeffrey James Hoyla
Manuel Miguel Barnes
Â
Avogadro III
Â
Ipinasa kay:
Â
Gng. Doris Moreno
Guro sa Filipino III
Â
Â
Â
Introduction
Â
Â
Â
Sinimulan kong isulat ang
aklat na ito dahil sa aking backpack. May dala akong baduy na
matingkad na luntiang backpack sa aking pagpasok sa mataas na paaralan. Binili
ito ng aking ina mula sa L. L. Bean, maraming taon na
ang nakalipas. Matibay naman ito at nakakaalpas sa mga
pagsubok bago pa man ako pumasok sa mataas na paaralan.
Â
May itsura rin
naman ang aking backpack. Pinagtitinginan ito ng mga
tao, at marahil nagtataka sila, “Sinong tanga ang magsusuot ng ganyang bag?”
At pagkatapos ay makikita nila ako. “Ah,
ok, kaya pala.”
Â
Isang araw, pababa ako ng isa sa mga escalator ng aking mataas na paaralan. Pagod na ako noon.
Inilapag ko ang aking backpack sa aking tabi sa
baitang ng escalator. Sa hindi maipaliwanag na
kadahilanan, nahulog ito at gumulong-gulong pababa ng escalator na parang isang
Slinky.
Â
Sa ibaba
ng marami pang mga hakbang ay naroon ang isang dalagita. Ang isa niyang kamay
ay nakalapat sa kanyang mukha na parang nakikipag-usap
sa cell-phone, pero wala naman talaga siyang cell-phone. Kami lang dalawa ang nasa escalator na iyon. Nagpatuloy sa paggulong ang backpack (at pinanood ko ito na parang wala
nang pag-asa) at humampas sa kanyang mga alak-alakan.
Â
Napatigil siya sa
pakikipag-usap sa kanyang kunwa-kunwariang cell-phone at lumingon upang
tumingin sa akin. Marahil iniisip niya na
nagpapapansin lang ako sa kanya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa,
inirapan, at tinadyakan ang aking backpack pababa ng escalator.
Â
Nang nakarating ako sa ibabang-ibaba, dinampot ko ang aking backpack at
nagmuni-muni ukol sa pangyayaring iyon buong araw. Nang pauwi na ako, kumuha ako ng isang piraso ng gusot na papel at
nagsulat tungkol doon sa babaeng naka-cell-phone at sa aking buwisit na
backpack. Inilabas ko ang aking galit sa aking
pagsusulat; gumamit ako ng maramihang mga sumpa. Pagkatapos noon, guminhawa na ang aking
pakiramdam, at nang basahin ko iyon kinabukasan, naisip kong magaling iyon.
Â
Mula sa
mga kalapastanganan ay nakapagsulat na ako ng mga sanaysay. Ang ilan dito ay
naipalimbag ko pa sa isang lokal na pahayagan, ang New
York Press. At di nagtagal, ang mga sinusulat ko ay
may matino nang basehan, inaaalala ang mga nkakatamad, nakakatakot, at
nakakahiyang mga karanasan at ginagawa itong mga bagay na maaaring mabasa ng
mga tao. Talagang nakagiginhawa ito, at nakakahanap ako ng pagtitimpi
pagkatapos kong maisulat ang mga ito. Kahit kaunti lamang.
Â
Noong 1998, napalimbag ko ang isa sa aking mga naisulat sa The New York Times
Magazine. At iyon ang nagdala sa akin sa Free Spirit
Publishing, na siyang nagbigay sa akin ng kasunduan sa aklat na ito, na siya
namang pinirmahan ko. At sa kung paano, ay nakaupo ako
ngayon at isinusulat ang pambungad na ito pagkatapos pagandahin ang karamihan
ng aking mga naisulat sa mataas na paaralan at isaayos ito ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Â
Tinapon ko
na iyong backpack na iyon noong ako ay nasa ikatlong taon ako ng mataas na
paaralan at pinalitan ng isang bag na galing sa isang tindahang surplus na
nagtitinda ng mga kagamitang pangsundalo.
Â
Kailanma’y di ko
na nalaman ang pangalan noong dalagitang iyon.
Â
Ned Vizzini
Brooklyn,
New York
Junior High
Â
Â
Â
Nintendo Saved Me
Â
Â
Isinakay ng aking ama ang aking
anim na taong-gulang na kapatid na lalaking si Daniel
at ako sa aming van, mga bandang alas otso ng umaga, Sabado pagkatapos ng
Pasko. Sadyang van at hindi kotse ang aming sasakyan
upang makapaglayo kami ni Daniel at hindi magkapatayan.
Â
Naniniwala ang aking ama na ang mga Nintendo ay mas mura sa New
Jersey. Naniniwala siyang lahat ay mas mura at mas maganda sa New Jersey,
marahil sapagkat siya’y isinilang doon, sa Trenton,
na tinatawag niyang “God’s Country”. Nagpunta kami sa
Child World, na isa sa mga malalaki at mauunlad na tindahang kagaya ng Toys ‘R’
Us, at kasing-tahimik at kasing-lamig ng isang ospital. Bumili kami ng isang
Nintendo sa halagang $100 (na kaparehong halaga rin
naman kung bibilin sa Manhattan) at
umuwi na sa Brooklyn.
Â
Nakatira ako sa
isang bahay-paupahan sa Brooklyn mula pitong
taong-gulang hanggang labing-walong taong-gulang. Ang aking ina
ay nag-aalmusal sa kusina kasama ng aking kapatid na babae, si Nora, na
magtatatlong taong-gulang na. Ang aking ina ay
nagsasagot ng mga crossword sa pahayagang The New York Times samantalang
nagsusulat sa ibang bahagi ng pahayagan si Nora at umiinom ng juice.
Â
Dinala ko
ang makintab na kahon ng Nintendo sa sala, umupo sa lapag, at tinulungan ako ni
Daniel na alisin ito sa lalagyan. Ang sabi ni ama ay
aayusin na niya ang Nintendo at kami’y pinalayo muna sandali dahil daw
kailangan dito ang pagbubuhos ng buong pag-iisip. Nauna akong maglaro sapagkat
ako ang panganay at nanood si Daniel sa aking
maligayang paglalaro ng mga kalahating oras, at pagkatapos ay umiyak na siya.
Nang puntahan kami ni ina ay humagulgol na siya dahil
daw hindi ko siya pinaglalaro. Nag-away pa kami pagkatapos noon, nang siya na ang naglalaro.
Nag-agawan kami sa controller at natabig pa namin ang
Nintendo. Napagalitan pa ako ni ina nang pagsabihan at
balaan ko si Daniel at natakot si Nora at tumakbo tungo sa kuwarto niya. Pinagsabihan
kaming dalawa ng aking ama na huwag daw naming
pag-awayan yaong Nintendo at magpakasaya na lang. At yaon nga ang ginawa ko sa mga sumunod na limang taon.
Â
Ikinahihiya ko
ngayon ang ganoong kapalaluan ng aking kabataan. Pero kaunti
lamang. Mula sa unang baiting, mahigpit na ang
aking kinalalagyan at ang mga namimilit na kapangyarihan: maging matalino,
magkaroon ng mga kaibigan, at maging matino sa harap ng mga guro. At humahanap ang mga ganoong kabataan ng mga paraan para guminhawa
ang kanilang pakiramdam. Pagbabasa ng aklat, pag-arte sa
tanghalan, at pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika. Ako, nakahanap ako ng
kapayapaan sa paglalaro ng Nintendo.
Â
The Test
Â
Â
Hindi ako nagkakaroon ng mga suliranin ukol sa pakikitungo sa kabilang kasarian o ukol sa mga tagihawat.
Nag-aalala ako tungkol sa Specialized Science High
School Admissions Test. Libre ito. Ang pangunahing layon nito ay mahiwalay ang
mga matatalinong mag-aaral sa hindi masyadong
matatalino. At kapag ang marka mo ay nasa itaas ng
cut-off, pasok ka sa mataas na paaralan. Ang Stuyvesant ang may pinakamataas na cut-off at iyon ang pinagkakaguluhan ng karamihan.
Â
Si Mary, ang aming punong-guro, ay
nagpabatid sa aming mga mag-aaral ng ikapitong baitang
ukol sa aming pagpasok sa mataas na paaralan. Nagpanayam siya na ito raw ay isang mahalagang bahagi ng aming buhay at
mahihinuha raw dito ang aming mga nais sa buhay. Pagkatapos, nagsimula na ang mga katanungang bumubulabog sa aming mga isip.
Â
Hindi ko
na kailangang mag-aral sa mga kinuha kong pagsusulit sa labas ng paaralan noon at parati naman akong nakakalampas sa 98
bahagdan ng mga kumuha ng pagsusulit. Nais kong
malaman kung ganoon din ba ang SSHSAT. Tinanong ko si
Mary kung kakayanin ko bang makapasa sa Stuy Test. Sinabi niyang magagawa ko
naman daw iyon nga manuti at pinayuhan ako na bumili ng aklat ukol doon.
Â
Sinamahan ako ni
ama sa tindahan ng mga libro at bumili kami ng isang aklat sa test-prep
section. Nang buklatin ko ang librong iyon sa bahay
namin, nagimbal ako sa mga katanungan sa mga pagsasanay. Nagpaturo ako kay ina at pinahinahon niya ako.
Â
Simula noon, nilagay ko ang lahat ng mga
natututunan kong mga formula sa mga index card at idinidikit sa dingding ng
aking silid. Inaral ko rin ang mga salitang hindi ko
alam ang ibig sabihin. Sa pangatlong araw, gumawa
naman ako ng mga talahanayan ng mga kapiraso ng isang buo at ng mga decimal na
katambal nito.
Â
Nakakakulta ng
pag-iisip ang pag-aaral. Pinapakain mo ng mga kaalaman na nasa libro, papel, at index card sa ulo mo. Pero nang
tumagal at naghahanda pa rin ako para sa Stuy Test, nagustuhan ko na rin pala
ang pag-aaral.
Â
Nang sumapit na
ang pagsusulit, nakapasa ako nang walang mintis. Nag-aral ako nang mabuti sa aking pinakamabuting paraan sa apat na taong inilagi ko
sa Stuy.
Â
Â
Â
Â
Â
Â
Â
Â
Â
Highway to Hell
Â
Â
Sa isa sa aming mga
pang-mag-anak na pamamasyal, nakarating kami sa Allentown,
Pennsylvania. Ito’y isang lugar na puno ng mga taga-siyudad na mga kasing-gulang kong
lalaki. Pangkat-pangkat sila, may mga kausap na mga
dalagita at naninigarilyo. Tinitignan nila akong masama
habang dumaraan ako.
Â
Biglang nagyaya si ama na manood ng Demolition Derby sa malawak na entablado.
Pumayag na lang ako para matigil na ang pagbuntot ko
sa aking mga magulang.
Â
Ganito ang mangyayari: isang
pangahas na may kasamang luray-luray na kotse ang
magpapasiyang magkatuwaan at makipag-laban sa isang palaro para sa gantimpalang
salapi. Pinapipinturahan niya ang kanyang sasakyan at
pinaaayos ang makina. Sa araw ng palaro,
magsasalpakan sila ng iba pang mga kapwa niya pangahas gamit ang kanilang mga
kotse. Kang kaninong kotse ang umaandar pa rin sa huli
ang siyang panalo.
Â
Pinagtitinginan
kami ng mga tao. Tinanong ni ama kung bakit daw
ako nahihiya. Nang lumingon-lingon ako, maraming uri ng tao ang naroon, mga
matatanda, mga lasenggo, at mga batang ina na nasa
aming likuran. At sa lahat ng mga nanonood, ang
pamilya namin ang pinakanakikita.
Â
Nagsimula na
ang palaro. Nang bigyan ng taga-ulat sa entablado ang
mga manlalaro ng hudyat, nagsisimula na silang nagbangaan at nagsiraan na
kani-kaniyang sasakyan. Umalis na si ina at si Nora
nang maubusan ng pasensya si ina. Sabi ni ama ay
magkikita na lang kami pagkatapos ng palabas.
Â
Nang mag-halftime, may mga payasong
nagpalabas ng pampatawa na hindi nkakatawa. Habang
ganoon, may binanggit ako kay ama ukol sa paggawa ng
mas mabuting intermedyo ng AC/DC. At ito ang nakapakinig sa
amin ng isa sa mga ina sa likod namin. Nagkukuwentuhan ng kami tungkol sa mga gusto naming mga kanta ng bandang iyon, at isa dito
ay “Highway to Hell”. Nakisabay na rin ang aking
kapatid na si Daniel sa pag-iisip ng ganoon ding mga palagay.
Â
Nagsimula ulit ang palaro at nang
matapos ito at nanalo ang tinatawag na Bonehead ay nakatanggap ng medalya
at tsekeng nagkakahalagang $900. at nang nakalabas kami ay nakita naming sa may labasan ang
aming mag-ina. Habang palabas ng karanabal na iyon,
bumili ako ng t-shirt na may nakasulat na “35th Annual
Destructo-rama Derby” at tinignan
ako at ito ng mga kasinggulang kong taga-siyudad ng kanilang mga inggit na
titig.
Â
Â
Â
Â
Â
Are We Alternative Now?
Â
Â
Noong ako’y labingtatlong taong gulang, ako at ang
aking kaibigang si Ike ay bumuo ng isang bandang pangmusika na
nagngangalang Wormwhole. Ako ang gumagawa ng perkusyon at
siya naman ang naggigitara.
Â
Si Ike ay isa sa
aking mga matatalik na kaibigan, na isinilang sa Gitnang Amerika. Naniniwala
siyang siya’y may dugo ng mandirigmang Mayan, isang bampira, at nagtatago rin
siya ng kanyang koleksyon ng mga sandata tulad ng mga punyal, bolas, sai, at
nunchucks. Masaya kami tuwing nagkakasama.
Â
Isang pagkakataon sa ikawalong baitang, nag-cut-classes kami ni Ike upang
mag-demonstrasyon ukol sa karapatan ng mga batang babae na maaaring sumama sa
mga trabaho ng kani-kanilang mga magulang samantala kaming mga kalalakihan ay
naghihirap sa algebra. Paikot-ikot kaming lumakad sa
harap ng isang tindahan ng kape. Inirapan lang kami ng
mga babaeng nagdadaan, nakakarinig, at nakakakita sa amin.
Â
Nang inakala na
naming tagumpay ang aming layunin, dumaan ang kotse ng aming punong-guro, si
Mary, sa kalyeng iyon, at kami’y binigyan ng kaparusahang umabot ng anim na
linggo, bago kami magtapos. Pinag-ulat kami ukol sa
kalusugang pangkaisipan ng mga nagdadalagang babae. At dito ko
nalamang marami rin pala silang pinagdadaanang hirap. Kaya kung
nais nilang sumama sa mg trabaho ng kanilang mga magulang, payag na ako, at
magpakasaya sila doon.
Â
Ukol ulit sa
Wormwhole, nakakatha kami ng dalawang kanta sa kuwarto ni Ike. Pareho iyon puro tugtog lamang at walang kanta. Naisip
naming maaari naming ipadala iyon sa himpilan ng radyo
at maging sikat pagakatapos ng ilang linggo. Gayon pa man, kinamumuhian ito ng
aking mga magulang, ng aking guro sa musika, at ng iba
pang mga batang nakakarinig nito.
Â
Ang aming banda
ay tinanggap naming palpak. Una, wala kaming
amplifiers. Pangalawa, wala kaming taga-kanta. Pangatlo, dalawa lamang ang aming kanta. Pang-apat,
lahat ng makarinig nito ay kinamumuhian ito. At
ikalima, walang nakakaalam ng ibig sabihin ng pangalan ng aming banda.
Ito kung baga’y nasa kalagitnaan ng oo at hindi, pero
walang nakakaalam kung nasaan ito. Ang Wormwhole ay alternative – alternative sa alternative – at ang musika namin ay sobrang alternative
na wala nang makaintindi nito.
Â
Â
Â
Â
-Â Â Â Â Â Â Â Â
Manuel Miguel V. Barnes
(Nagsalin sa
Filipino Mula Introduction hanggang Junior High)